Review: Rak of Aegis (Tagalog)

Ang Rak of Aegis ay nakakaaliw na palabas, puno ng kwela at akma ang mga adlib ng artista sa mga napapanahong mga isyu ngunit mukhang hanggang doon na laman iyon. Marami akong sinang-ayunan sa lathala ni Sir Teodoro sa kanyang Blog. Ngunit, maaring may iba rin sa paraan ng aming pananaw dahil may mga ibang awktor na gumanap sa palabas na iyon.

Maganda naman ang Rak of Aegis. Nakakatawa at nakakaaliw ang mga dialogo nila. Nakulay ang mga eksena at masigla ang tanghalan. Sa sobrang sigla ay marami masyado ang nangyayari sa isang eksena. Ayos lang naman na may kasabay na gumagalaw ang mga bida para walang patay na bahagi ng entablado ngunit iba sa kanila. May mga eksena na masyadong maraming nangyayari at naagaw ang attensyon mo sa mga bida. May ilang eksena na mga apat o lima ang eksena na nangyayari sa entablado at hindi ko na alam kung saan titingin.

Maraming bahagi lalo na iyong mga musical piece na sabay-sabay ang lahat ng artista na nakakapanindig balahibo. Maganda ikanga ang harmony ng mga tinig ng artista. Ngunit sa bandang umpisa ay maraming flat ang bidang babae kung titingan naten ng teknikal na pananaw ng mga musikero. Maaring nakaapekto iyon sa kanyang pag-ganap dahil may mga eksena na kulang si’ya sa emosyon batid na nga siguro ng hindi niya pagtama sa mga nota.

Hindi ako sigurado kung matagal lang paglalahad ng istorya, malabo ang paglahad ng istorya o sadyang hindi mataas ang kasukdulan o climax. Masyado atang maraming nangyari sa kwento kaya nagmukhang matagal ang mga pangyayari at tila walang climax. Marahil ay hindi nabigyang diin ang climax, marahil ang climax ay ang eksena ng pagsang-ayon ng kapitan sa developer ng lupa o pag-lubog ng tubig baha. Hindi rin nabigyang linaw ang katapusan ng kalunusan ng problema sa makatotohanang pangyayari. Marahil sa totoong buhay ay namatay na silang lahat.

Ang isa sa mga nagdala sa kanila ay ang kasiyahan ng palasabas. Tila It’s showtime na palabas ang kanilang paraan ng pag-atake sa pagtanghal nito. Nakakatawa ngunit minimal na napupulot na aral. Nakita nga na may pagka-resilient ang tauhan sa palabas na nanalamin sa Pilipino at umikot sa pag-ibig ang tema ng palabas, ngunit, ano nga ba ang aking napulot sa kwento na ito?

Sa kabila naman nito ay maganda ng ang mga pagkakagawa ng entablo at mga maliliit na detalye ng mga kasuotan at gamit ng mga awktor. Maganda ang pagiging mga pyesa ng mga kantang ginamit at sinalin upang maging angkop ang mga lyrics ng kanta sa kwento. Kabisado nila ang mga linya at parang tunay na nasa situwasyon sila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s